Friday, October 28, 2005
[[
Fixations]]
Fixations
Buti naman, 1st day ng sembreak nakaalis kaagad. Not necessarily, alis. Pop gave me a room at Bayview 4 days and 3 nights din. Not bad talaga. In front of Baywalk, kaso mag-isa lang ako. Kaya, pinapunta ko nalang mga dyssew people doon. Noong last day, super dami na sa room. Pero ayos lang, nasulit din ang stay. Para hindi din ako mag-emo mode pag mag-isa. Things happen so fast. Grabe at ganoon nalang.
Natuloy pala kagabi yung EK with Raisa, Marvin, Gummi, Harold, Russ and Yuri. Mga classmates sila ni Ho Wan, except for Raisa and Marvin (na classmates ko hopefully till graduation; meaning hindi ako masipa).
Potek ang epal ng ulan kahapon! Hindi masyado nasulit ang EK, at one thing na din. Ang dami sobra mga field trips kagabi. Kawawa na nga yung tour group ni Pop, nag-sight seeing nalang sa EK. Buti nalang at nakuha nila Marvin ang tickets at 250 bucks. Promo ng EK yun eh. For students.
Tagaytay tripping after noon sa Mushroom burger, kung saan na-introduce ko pa tuloy kay Harold ang TALAMPUNAY. Hehehehe.
Then, house ni Russ, na naging classmate nila Fucoy dati. Ayos, small world! Napa sleep over. At yours truly, ang unang-unang tumumba. There, na plan din na kung gusto ko sumama if in case, mag HK sila this December. I'll try. Hehehe.
Ayokong masayang vacation, kasi pagdating second semester. For sure torture ulet yan, lalo na at ang mga NCM eh systems na at bawal na daw kami mag-removals. Pffttt.
SIRA NGA PALA USB NG DIGICAM! AMP!
marky|2:42 PM|