Monday, September 25, 2006
[[
Pinoy Movie at Its Best]]
Pinoy Movie at Its Best
Ano ba ang Pinoy Action Movie?
Laging umiikot ang istorya sa paghihiganti
Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong,ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan,
ninuno)
Isa sa mga eksena e babastusin sya o syota nya ng mga nag-iinumang istambay.
Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol)
Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ang mga sugat nya ng isang babae.
Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
Lagi itong may mga uto-utong tauhan o "mga bata". At laging naka-jacket kahit tanghaling tapat.
Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.
Lagi ding may eksena sa isang beer house.
May seksing leading lady at may love scene na pwedeng ikwento sa Abante.
Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman e kayang-kaya nitong patumbahin.
Kung ma-co-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang.
Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nag-tutukan ng baril...mahabang pag-uusap, tila baga mag-syotang nasa telepono.
May malalakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.
Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.
Kahit ano sumasabog pag binaril. Pati puno, sumasabog.
Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala. Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa siya nakakahawak nito sa buong buhay nya.
Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay-sabay, laging isa-isa, parang sayaw.
Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlompung tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan nya.
Laging sa lupa tumatama ang bala ng kaaway. Tamaan man sya ng bala ay laging daplis lang ... hindi pwedeng sa ulo o sa puso.
Siyam (9) ang buhay ng bida. Doble pa nito ang buhay ng leading lady. Kung mamamatay man ang isa sa kanila e makakapagsalita pa ito ng isang page ng script bago malagutan ng hininga.
Huli darating ang maraming pulis ... at wala silang pakialam sa bida, kahit na involved ito sa riot!
Atbp......................................
marky|11:40 PM|
Monday, September 18, 2006
[[
Drew's Katips]]
Drew's Katips
Tuloy tuloy ang new workout plan
Medyo maganda pa naman ang epekto
No fast-food
No carbo
No alcohol
H2O nalang after 6pm
174 nalang. Medyo malayo pa
Target eh 150 and below
Meeting sa SNA gazette
Kailangan pala ang publication para sa PAASCU
Kaya medyo naghahapitan
Pics ay kailangan
Katulad na din sa bulletin board
STAT mode
Birthday celeb ni Pam noon Saturday
Sa Drew's, astig ang celebration
Napainom after 1 month hiatus
No dinner pa
Kaya basag amp
Sa labas ng Medical City nag test ng gag reflex
Super positive ang reflex!
3x nga gumana eh
Eeewwnesss
Bakit kami nasa Medical City?
Naaksidente sina Mitch noon Saturday
Buti naman at okay na siya
Next time, wear seatbelts
Walang pasok ngayon
University na kasi ang Trinity
Yehey
May pasok naman bukas at sobrang aga
marky|9:29 PM|
Thursday, September 14, 2006
[[
Wait or Go]]
Wait or Go
OR duty sa Amang grabe 530 AM ang calltime
Super hardcore
Wala naman akong case na nakuha
Ayaw kong mag scrub in eh
Tuloy pa rin ang pag gym pala
Nakaka 22 lbs na nawala
Hindi pa halata
Kasi galing sa bloated mode
Finals sa neuro sa Saturday
Sana makapasa
Kakatapos lang ng class olympics nga pala last Saturday
Masaya
Madami ang nag participate
Salamat sa pagpunta ni Sir Leo at Doc Bonilla
Appreciate
Malapit na ang accreditation para sa SLCN
Napili ako errand runner amp
Ayos lang, mukhang masaya naman
Induction na ng first university president sa Monday
Nakapag lecture na din kahapon
Nakakamiss
Dahil 2 weeks straight ang sa mental
Duty ng duty
At least chees whiz
Malapit na ang thesis defense
Naku. Chapter 2 pa lang
Umulit kami
Kamusta naman
marky|9:42 PM|
Tuesday, September 05, 2006
[[
Alarm Clock Mode]]
Alarm Clock Mode
24 hours na akong gising
Overall champion ang batch centenniales!
Astig!
Nazal halfway home ngayon.
marky|9:15 PM|