Tuesday, July 26, 2005
[[
Ongpin Roots]]
Ongpin Roots
Narinig mo na ba ang SONA? Naku. Malaking gulo ito mga people. Balik sa totoong buhay, nagpakita na kanina si Ms. Judy Ann Sy, ang aming lecturer sa Fluids and Electrolytes and Stress. Nakaka stress na orientation pa lang. Oh sumakay ka pa.
Orayt!
Tuloy na lang ulit. Out na daw sabi ni Eric eh. 9 am lecture ko tomorrow! hahahaha. Kaya mayabang.
Modified Tredelenberg version.....
Lumipat lang pala kami ng computer rental kasi walang printer, este down ang server doon sa kabila. Kaya napag-isipan na dito sa mga lugar ng batang sabik sa counter strike. Wala na kaming balak makigulo sa kanila. Oo nga pala parehas na kaming may tama sa mata. Okay na yun.
FYI: Ang diyaryong intsik ay nagkakahalaga lamang ng 10 pesos parang 20 lang na fishball ang kapalit. Kaya pala 10 eh walang kakulay kulay. Kahit sinong barberong may printer eh pwede ng gumawa ng istorya at kahit ibenta ng 5 pesos ay di ka lugi.
Malakas nga din pala ulan kaya hindi kami kaagad makalabas. Tingnan mo nga naman. Sa puntong ito, lumabas si Eric at lumipat sa kabilang computer rental para kunin ang naiwan na payong. How sweet. Hahaha. Di ko nga alam at napapadalas na si Dolor sa batcave eh. Malapit na nga pala capping, nakuha ko na din ang sapatos na parang hihiwain ang ankle ko ng husto. Size 9 ang binigay eh 10 ang sa akin. Ano yun parang sa TOMI?
Isang magandang balita nalang bago umuwi ako, papaayos na camera. Uuuwi na nga kami, baka mag counter strike pa itong si Eric eh. Joke!
marky|10:41 PM|