Friday, April 08, 2005
[[
Living like the Romans]]
Living like the Romans
Sarap sarap ng buhay. Epal lang talaga internet connection ng Reloaded! Super bulok ng ISP Reloaded. Late na nga nakauwi ang bagal pa. Unang post ko tuloy nabura lahat. Pfffttt. Pag nakuha ko na talaga account yung sa Vibe. No more.
And also, yan mga hassle-free hassle-free na yan, ganyan nung nag-enroll ako kaninang umaga or kahapon. Ayon, wala pang 30 minutes noh! Lahat na yun! 30 minutes beat that. Mahirap lang sa plan eh yung pagkuha ko sa letter nung isang araw sa Prudential Life office sa Makati. In which na ang pagsakay palang ng MRT eh nightmare na, grabe ang siksikan. Compared sa couches ng LRT-2 na mas madalas akong makasakay, maliit sobra yung sa MRT.
Hindi naging madali ang pagpunta sa office, salamat sa tulong ng mga guard at mga pulis na din na kung saan-saan pinagtuturo sa akin kung saan ang Legaspi Village and ang PL Office. Dahil diyan sa mga abot-abot na malas, nararapat naman ata na bigyan ang aking sarili ng isang taxi ride papauwi.
Nakapag enroll na nga kanina. Katulad ng nasabi ko, ayon. Tapos, yeah! Nagkaroon ng get together party sa house nila Ms. Grace kanina in which saan ako galing kaya late. Late na din ako nakapunta dahil natulog ako. Kasi, nagtreat si Niq sa Glorietta, eh I felt like I've wanted to sleep more than watch a movie. Umuwi nalang ako. Tapos ayun, yung iba na hindi makita sa summer nandoon pa rin. Pero, napakakaunti lang nandoon. Mga nasa 15-20 lang. Kaunti ng turnout. Pero, happy pa rin na yung effort na pumunta and ayun. Basta, katulad na din ng sinabi ni Katha "Akala nila sila lang ang malungkot, kami din naman ah... Lalo na kapag may bonding no! " Napakasakit na katotohanan nga Kuya Eddie. Ang section na I've been with for a year and also, the one who helped me get back at my grades will be entirely different this summer. 2nu8 eh ibang-iba sa 2nu11 and 2nu17. Madaming new people yan and also, yung subjects mas matitindi. Paano ko nalaman??
Oh well, ganito lang naman. Nagpabili na ako kasi ng books kanina. At nung nakuha ko na, grabe! Oh my golly! Yung Nutrition book kasing-kapal ng Fundamentals ni Kozier!!! And ang Pharmacology book, parang Microbiology ng bawas 70 pages. Buhay buhay.
Haayyy Naku. Malapit na Lunes . Pero, magpapaka-buhay romano muna ako. Manood pa ako movie tomorrow! hahahaha. Sana matuloy lang, CLOSER eh. Gateway. At sana magising ako, kahit 5 PM pa yun!!!
marky|2:38 AM|